Bakit ipinasya ng mga binata at dalagang ito na magbihis-misyonero at maglakad sa mga di-pamilyar na bahagi ng mundo nang dalawang taon? Ang Simbahan ng Panginoon ay isang misyonerong simbahan noon pa man. Katulad nang ipangaral ni Jesucristo at ng Kanyang mga disipulo ang ebanghelyo, mahigit 50,000 misyonero ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang nagpapalaganap ng Kanyang salita ngayon. Sila ay tinawag na mangaral ng ebanghelyo ni Jesucristo sa lahat ng panig ng mundo. Karamihan sa mga misyonero ay mga 20 taong gulang, bagama’t maraming mas matatandang mag-asawa ang nagpapasiya ring maglingkod. Kusang-loob na isinasantabi ng mga misyonero ang pag-aaral, pagtatrabaho at pagdedeyt nang mga dalawang taon para maglingkod sa Panginoon sa sarili nilang gastos.
Ang pakikipag-ugnayan sa pamilya ay limitado pa sa mga liham o email at napakadalang na pagtawag sa telepono para makapagtuon sila nang buong puso sa paglilingkod sa Panginoon at sa mga taong kanilang pinaglilingkuran. Sa kanilang dalawang taong full-time na paglilingkod inilalaan nila ang kanilang sarili sa pag-aaral, pakikipagkilala sa mga tao at pagtuturo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan. Ginagawa nila ito dahil sa pagmamahal, at sa huli nadarama ng karamihan sa mga misyonero na mas marami silang natamo kaysa naibigay sa pamamagitan ng paglilingkod.